Pelikulang Quezon: Ang Malabong Linya ng Katotohanan at Piksyon
Ang huling bahagi ng Bayaniverse Trilogy ni Jerrold Tarog, Quezon, ay unang ipinalabas noong Oktubre 15, 2025. Taliwaas sa nakasanyang bayani at marangal na imahen niya, inilarawan siya ng pelikula bilang isang taong may mga kahinaan at hindi ganap na maka-bayaning politiko, at binigyang-diin ang kanyang matinding paghahangad sa kapangyarihan at pag-akyat sa hagdan ng politika. Sinuri rin ng pelikula ang mga ugat ng makabagong suliranin ng pagtingin sa politika bilang isang laro. Sa huli, multi nitong pinasigla ang debate kung dapay bang unahin ng mga midyang historikal ang mga katotohanon o ang malikhaing kalyaan.
Kasunod ng premiere ng pelikula, ang mga nanood ay nagsimulang magkoment at i-bash ang yumaong presidente sa social media. Dahil sa mga dumaraming negatibong komento, ipinahayag ni Enrique “Ricky” Quezon Avanceña, ang apo ni Manuel L. Quezon, ang kanyang mga alalahanin tungkol sa pelikula. Gamit ang social media at mga panayam, matinding binatikos niya ang pelikula dahil sa paglalarawan nito sa kanyang lolo. Tinawag niya itong “demolition job” na sinira ang reputasyon at legacy ni Quezon. Dahil sa pagpapakita kay Quezon sa masamang imahe lamang, binabaliwala nito ang kanyang mga sakripisyo, pati rin ang mga positibong kontribusyon sa bansa, katulad ng “women’s suffrage”. Kulang sa balanse at patas ang pelikula, hindi kinikilala ang mga marangal na katangian ni Quezon, katulad ng kanyang kabayanihan, pagmamahal sa mahihirap, at adbokasiya para sa katarungang panlipunan. Ikinatuwiran din ni Avenceña na hindi kinunsulta ang mga inapo ni Quezon noong ginagawa ang pelikula. Ito ay kawalang-galang at nakaksakit sa pamilya; hindi sila nabigyan ng pagkakataong ipahayag ang kanilang mga pananaw tungkol kay Quezon at paano naman siyang ipinaglarawan sa pelikula.
Noong nakaraang Oktubre 23, 2025, sa panahon ng isang post-screening Q&A bahagi ng pelikula, direktang hinarap ni Avanceña si Jerrold Tarog, ang direktor ng pelikula, at si Jericho Rosales, ang pangunahing aktor na gumanap bilang Manuel L. Quezon. Nagresulta ito sa isang mainit na pagtatalo sa teatro. Ikinatuwiran ni Avanceña na ang tinatanggap na paggamit ng pelikula ng satirang pampulitika ay ginagawang biro at hindi kapani-paniwala ang representasyon ni Quezon dahil ang pelikula ay base lamang sa eksaherasyon, hindi sa katotohanan. Nakaharap sa mga taong nanood at nakikinig, nagreklamo si Avanceña, “So ‘wag natin papaniwalaan, joke pala ito. It’s a joke. It is satire.”
Sinasabi ni Avanceña na pinalabo ng pelikula ang historikal na katotohanan at ang piksyon at satira. Ito ay nagiging nakakalito para sa mga manonood na hindi alam kung ano ang mga bahagi ng pelikula ay piksyon o hindi. Ipinaliwanag niya na ilan sa mga elemento ng pelikula ay hindi makatotohanan sa kasaysayan. Isang halimbawa ay, kahit hindi kinumpirma sa mga opisyal na mga rekord ng kasaysayan, ipinakita ng pelikula na may lihim na unang asawa si Quezon sa Bataan, at kung paano inabandona niya siya at ang kanilang anak upang bigyan ng prioridad ang paglaki ng kanyang kapangyarihang pampolitika. Bukod dito, ipinakita rin ang piksyonal na kumpanya ng diyaryo, “Alerta”, na pagmamay-ari ni Joven Hernando, isa pang fiksyonal na karakter sa pelikula. Ipinasara ni Quezon ang buong kumpanya dahil naglimbag ito ng isang artikulong sinisiraan ang kanyang pampublikong imahe; nagbibigay-diin ito sa malaking impluwensiya ni Quezon sa pagmanipula ng iba.
Pinky Amador, ang apo sa pamangkin ni Quezon, ay patuloy na sumuporta sa mga pahayag ng kanyang tito. Sinabi niya na ang hinalong piksyon at satira ay maaaring maging sanhi ng maling edukasyon at palilinlang ng mga nanood. Dahil sa ipinalabas na karakter ni Quezon, maaaring magkaroon ang mga manonood ng one-sided na pananaw o mga maling akala tungkol sa yumaong presidente. Binigyang-diin niya na ang pelikula ay inendorso ng DepED bilang pang-edukasyon. Sinabi niya, “When you get DepEd to endorse this as an ‘educational’ film, the perception is that it will be (at the very least) slightly historical. When you add layers of ‘fiction’ and ‘satire’ then purposefully BLUR those lines with your creative treatment, then you are weaponizing history according to your narrative for sales.” Nais niyang ipakita ang mga paghihirap ni Quezon bilang bahagi ng pamahalaan. Ayon sa kanya, “Artistic freedom does not excuse you from artistic accountability.”
Ipinagtanggol ng TBA Studios ang kanilang panig noong Oktubre 24 sa pagsasabing ang pelikula ay hinango mula sa mga beripikadong salaysay sa kasaysayan, kabilang ang sariling awtobiyograpiya ni Quezon at iba pang mapagkakatiwalaang sanggunian. Inamin ng studio na may mga elementong kathang-isip sa pelikula para sa layuning pampaksa, ngunit nananatili itong napapatunayan sa pamamagitan ng mga pampublikong tala, pananaliksik sa internet, o mga mapagkukunan sa aklatan. Bukod dito, naglabas ang TBA Studios ng isang gabay sa pag-aaral at kasamang aklat na naglalaman ng mga sangguniang ginamit sa pananaliksik para sa pelikula. Sa huli, hinihikayat ng TBA Studios ang publiko na panoorin ang Quezon at bumuo ng sariling pananaw at pag-unawa tungkol dito.
Ang 2025 Quezon na pelikula ay mabilis na nagtagumpay; ito ay naging #1 pelikula sa Pilipinas sa loob ng ilang linggo at nakamit ang mga international screenings din. Sa halip na bigyang-pokus ang tradisyonal na kabayanihang imahe ni Quezon bilang isang pampolitiko, ipinakita nito ang kabilang panig—ang mga nakatagong masasamang gawain sa likod ng kanyang maingat na nilikhang pampublikong imahe. Bukod sa magandang teknikal na pagsasagawa—mga visual effect at editing—nagbigay din ito ng mabuting paalala na ang mga bayani ay tao pa rin—mayroong mga limitasyon at pagkakamali. Ito ay isang panawagang hinihikayat ang mga tao na pag-isipan at talakayin nang mas malalim ang mga pambansang isyu, sa halip na basta-basta lamang naniniwala sa mga pinuno. Walang duda na malaki ang naging impluwensiya ng pelikula sa pananaw ng marami tungkol kay Manuel L. Quezon. Dahil dito, ang kontrabidang pagkatao ni Quezon sa pelikula ay maaaring bumuo ng mga negatibong biases patungo sa kanya. Sa halip na bigyang-diin lamang ng pelikula ang mga pagkakamali sa pagkatao ni Quezon, ang pangunahing layunin nitong ipalabas, dapat ay isinama nito ang mga mabuting nagawa rin ni Quezon para sa Pilipinas, katulad ng pagpapaunlad ng pambansang wika at pagligtas sa mga Hudyo. Ang pagkilala sa mga tagumpay ni Manuel L. Quezon ay hindi lamang nagbibigay ng respeto sa yumaong presidente, ngunit maaari rin itong palakasin ang pagkakaisa at dangal ng bansa.
Sa kabuuan, ang pelikula ay hindi lamang isang paalala na ang mga bayani ay nagkakamali rin bilang mga tao, ngunit ang kontrobersiya ng 2025 Quezon na pelikula ay nagsisilbing aral na magkaroon ng bukas na isipan habang nag-aaral ng kasaysayan at alamin ang magkabilang panig ng kwento bago bumuo ng sariling opinyon at pananaw sa isyu.