TARA NA, TEST NA! Panahon ng Entrance Exam: Handa Ka Na Ba?

“Ito na ‘yon!” — ang sigaw ng bawat Grade 12 student na haharap sa pinakamatinding yugto ng high school life: ang panahon ng college applications at entrance exams.

Para sa ilan, simpleng bahagi lang ito ng buhay-estudyante. Pero para sa iba, ito ay pagkakataong baguhin ang kinabukasan—isang sandali ng pag-asa, pangarap, at panalangin.

Iba ang hangin mula Agosto hanggang Disyembre...

Habang papalapit ang college entrance tests (CETs), tila bumibilis ang ikot ng mundo ng mga estudyante. Sa gitna ng mga requirements, exams, at extracurricular activities, kailangan pa ring maghanda nang todo. Dito sinusubok ang disiplina, tiyaga, at katatagan ng bawat mag-aaral.

Mula sa mga sikat na pamantasang tinatawag na “Big Four” — University of the Philippines (UP), Ateneo de Manila University (ADMU), De La Salle University (DLSU), at University of Sto. Tomas (UST) — hanggang sa mas maliliit ngunit de-kalidad na unibersidad, bawat isa ay nagbibigay ng pagkakataon. Pero dahil limitado ang slots, hindi lahat ay agad makapapasok. Dito nasusubok kung gaano kahanda at determinado ang bawat estudyanteng kukuha ng pagsusulit.

“Ang mahalaga, binigay ko ang lahat ng makakaya ko.”

Bilang isang estudyanteng dumaan na sa prosesong ito, malinaw pa sa akin ang bawat detalye ng UPCAT experience. Puno ng kaba, saya, at dasal ang mga gabing paghahanda. At nang dumating ang araw ng exam, ramdam ko ang halu-halong emosyon ng libo-libong estudyante sa UP Diliman — lahat may pangarap na gustong abutin.

Pagkatapos ng exam, napagtanto ko: ang resulta ay hindi sukatan ng halaga mo bilang estudyante. Ang mahalaga ay nagtiwala ka sa sarili at nagpatuloy sa pag-abot ng pangarap mo.

Tandaan, hindi dito nagtatapos ang laban.

Para sa mga Grade 12 students na mag-e-entrance exam pa lang, huwag mawalan ng pag-asa kahit anong resulta ang lumabas. Maaaring hindi mo makuha ang gusto mong unibersidad, pero tandaan:

Laging may plano ang Diyos.
Baka may mas maganda Siyang inihanda para sa’yo.

Kaya kapit lang — at maghanda, dahil ang kinabukasan mo ay unti-unti mo nang binubuo.

Shey Naomi A. Lu

I really enjoy watching horror movies!

Previous
Previous

Tara? Takbo Tayo!: Ang Bagong “Cool” sa mga Kabataan

Next
Next

Filipino Forgetfulness: The Greatest Gift We Give to Corruption